Kung May Asawa Ako Ngayon...

Hatinggabi na, nasa opisina pa ako. Grabe na 'to, di ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Ilang gabi na akong nag-o-overtime sa opisina. Okay sana s'ya kasi mas malaki ang sweldo ko. Kaya lang, ang daming na-co-compromise na mga bagay. Parang hindi yata worth it.

Una, hindi ako nakakapaglinis ng bahay. Oo, apat na linggo na akong hindi naglilinis. Pa-walis-walis lang. Pero yung totoong linis, naku...! Mabuti na lang at maliit lang ang apartment ko. At nasa loob ng subdivision kaya hindi gaanong maalikabok. Pero syamepre, iba pa rin yung alam mong spic and span ang lahat ng sulok ng bahay mo di ba?

Ikalawa, tambak na ang laudry ko. Dahil ang bahay ko at ang opisina ko ay nasa iisang village, bihira akong lumabas. Lumabas man ako ng gate ng subdivision, eh para pumunta sa dance practice o sa household prayer meeting. Wala man lang akong pagkakataong bitbitin ang mga laundy ko papuntang laundry shop! Next week, wala na akong isusuot!

Ikatlo, kung umuwi ako ngayon ay laging between 1:30 and 2:30 AM. Sabihin mo nga, uwi ba ng matinong babae 'yun?

Kaya nga kung may asawa ako ngayon, malamang isa sa tatlong bagay ang maaring mangyari: 1) hiwalayan n'ya ako; B) hiwalayan n'ya ako; at C) hiwalayan n'ya ako.

Buti na lang single pa 'ko. Kung hindi, isa ako sa numero ng statistics ng mga mag-asawang may domestic problems. Hay!

Sana lang, h'wah akong layasan ni Yoda. Kasi nakalimutan kong ibili s'ya ng cat food kanina...

Comments

Popular posts from this blog

MUSINGS OF A SOMETHING, SOMETHING

Facing vs. Choosing My Fears

Journeying Through Life on Two Wheels