Manny vs. Ricky: Dapat Masaya Ako 'Di Ba?

Sa totoo lang, dapat masaya ako.  Kasi isa na namang boksingero ang pinabagsak ng Pambansang Kamao.  Pero hindi eh.  Matapos kong panoorin sa youtube ang laban ni Pacqiuiao at ni Hatton ngayon, biglang sumama ang pakiramdam ko.  (Oo, dear readers.  Ako lang 'ata sa buong mundo ang hindi nakapanood ng boksing kahapon.  Narinig ko sa TV ng kapitbahay ang mga pangyayari, pero hindi nakita ng dalawang mata ko... ngayon lang.)

Hindi ko maipaliwanag 'yung feeling.  Inaamin ko, nung una kong narinig si Manny na tinatanggap ang hamon ni Ricky Hatton, nagduda ako.  Naisip ko, 'Kaya n'ya na ba ang ganitong kalaban?'  Pero mahusay maghanda ng sarili si Pacman.  Napatumba n'ya si Hatton 'di ba?  Sa second round!  Pero nung nakita ko 'yung slo-mo ng huling suntok ni Pacquiao, parang ako ang nasaktan.  Whapak! talaga eh.  Parang 'yun na 'yung huling pako na nagsara ng kabaong ng laban kahapon.  (In English, the nail that sealed the coffin.  Hehehe.)

Hindi ko alam kung over-confidence sa kampo ni Hatton.  Iniisip ko nga, nag-ensayo ba sila?  Parang hindi pinag-handaan.  Para bang nagpa-alarm lang ng relo si Hatton tapos 'nung tumunog eh bumangon sa higaan, naligo, nagbihis at umalis patungong MGM para mag-trabaho.  Walang sigla.  There was no spirit at all.

Akala ko ba, ang trainer n'ya eh "The Greatest Trainer of All Time"?  Ang sabi sa wikipedia, defense ang forte ni Floyd Sr.  Eh bakit ganun?  Anong nagyari?  

Minaliit ba nila ang Pinoy?  Hindi ba nila nakita si Manny na threat sa korona?  

Bago pa man ang laban, naparami nang blah-blah ni Mayweather.  Ngayon, napagtanto ko na baka sina-psyche lang nila ang kampo ni Manny kasi hindi talaga nakapag-ensayo ng husto si Hatton sa ilalim ng pamamahala n'ya.

Pero syempre, hindi ko naman maiaalis na mabilis talaga si Pacquiao.  Ako nga na nanood lang eh hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang mga suntok eh.  Kung walang slow-motion, hindi ko napansin 'yung suntok na nagpatumba sa Briton eh.  Ang hirap talaga kumurap 'pag si Manny ang lumalaban.

Pero 'yun nga.  Kawawa naman si Ricky Hatton.  Masaya ako kasi isa na namang karangalan ang ibinigay ni Manny Pacquiao.  Kaisa ako sa maraming Pinoy sa buong mundo na nagbubunyi sa pagkapanalo ni Pacman.  Pero kasabay nito, ikinalulungkot ko rin ang pagka-palalo ng mga nakapaligid kay Ricky Hatton.  

Comments

Popular posts from this blog

MUSINGS OF A SOMETHING, SOMETHING

Facing vs. Choosing My Fears

Journeying Through Life on Two Wheels