Manny vs. Ricky: Dapat Masaya Ako 'Di Ba?
Sa totoo lang, dapat masaya ako. Kasi isa na namang boksingero ang pinabagsak ng Pambansang Kamao. Pero hindi eh. Matapos kong panoorin sa youtube ang laban ni Pacqiuiao at ni Hatton ngayon, biglang sumama ang pakiramdam ko. (Oo, dear readers. Ako lang 'ata sa buong mundo ang hindi nakapanood ng boksing kahapon. Narinig ko sa TV ng kapitbahay ang mga pangyayari, pero hindi nakita ng dalawang mata ko... ngayon lang.)